Lahat ng tao kailangan mag trabaho
Ngunit hindi lahat ng trabaho kailangan ng tao.
Maraming tao hindi makapag trabaho dahil walang pinag-aralan
Maraming taong may pinag-aralan ngunit nagtatamad tamaran.
Walang asenso pag walang trabaho,
Ang taong umaasenso ay wala sa talino.
Sipag at tiyaga lamang ang iyong kayamanan.
Kaya’t kumayod ng maigi umaraw man at umulan.
Ang taong tamad ang pag sisisi ay banding huli,
Ang taong masipag aangat hanggang sa huli.
Walang kita kung ika’y hihiga-higa.
Ang susi ng kahirapan ay nasa sipag at tiyaga.
Pag umasenso ‘wag lumaki ang ulo,
At ‘wag gayahin ang ibang taga gobyerno.
Sapagkat sila ang matalinong umaasenso,
Ngunit sila ang totoong pinaka bobo.
Huwag aksayahin ang lahat ng oputunidad,
At patayin ang salitang “Bayan ni Juan Tamad.”